The Invitation

It doesn’t interest me what you do for a living. I want to know what you ache for and if you dare to dream of meeting your heart’s longing.

It doesn’t interest me how old you are. I want to know if you will risk looking like a fool for love, for your dream, for the adventure of being alive.

It doesn’t interest me what planets are squaring your moon. I want to know if you have touched the centre of your own sorrow, if you have been opened by life’s betrayals or have become shrivelled and closed from fear of further pain.

I want to know if you can sit with pain, mine or your own, without moving to hide it, or fade it, or fix it.

I want to know if you can be with joy, mine or your own; if you can dance with wildness and let the ecstasy fill you to the tips of your fingers and toes without cautioning us to be careful, be realistic, remember the limitations of being human.

It doesn’t interest me if the story you are telling me is true. I want to know if you can disappoint another to be true to yourself. If you can bear the accusation of betrayal and not betray your own soul. If you can be faithless and therefore trustworthy.

I want to know if you can see Beauty even when it is not pretty every day. And if you can source your own life from its presence.

I want to know if you can live with failure, yours and mine, and still stand at the edge of the lake and shout to the silver of the full moon, ‘Yes.’

It doesn’t interest me to know where you live or how much money you have. I want to know if you can get up after the night of grief and despair, weary and bruised to the bone and do what needs to be done to feed the children.

It doesn’t interest me who you know or how you came to be here. I want to know if you will stand in the centre of the fire with me and not shrink back.

It doesn’t interest me where or what or with whom you have studied. I want to know what sustains you from the inside when all else falls away.

I want to know if you can be alone with yourself and if you truly like the company you keep in the empty moments.

***The poem is written by Oriah Mountain Dreamer. I came across this during my trip to the museum. I hope it touches your soul as it did to mine. 🙂

20140723-202021-73221154.jpg

Advertisements

Palipad hangin

Lumilipad ako sa hangin na hindi alam kung saan tutungo. Ang dampi ng pag-ihip nito sa aking balat ay malamig at nakakakilig. Matamis at masarap ang lasa ng kalayaan lalo pa’t matagal ko itong hindi natikman. Una ko sanang tutunguhin si Clow, ang aking manlilikha, ngunit wala na nga pala siya.Nabura na siya sa mundo at habang-buhay nang mawawala.

Palagi kong maaalala ang paghaplos sa aking balat ng kanyang malambot at makinis na kamay. Nanliliit ako sa tuwing ginagawa niya iyon. Napakamaalaga niya sa akin at hindi ko mapigilang isipin na baka siya’y may pagtingin din. Hindi ko naman siya magawang tanungin dahil baka ako ay nagkakamali lamang.

Tunay ngang mahirap malaman ang kasagutan kapag pag-ibig na ang palaisipan.

Hindi niya lang alam na sa bawat liko ng pagkakataon ay inaantay kong masulyapan ang mukha niya. Sana siya na ang susunod na dadaan; sana siya ang susunod na tatawid papunta sa akin. Hindi pa din nagbabago ang nararamdaman ko pa ra sa kanya. Sasabihin ko na sa kanya ang dapat matagal ko ng sinabi. Wala ng pagligoy at wala ng pagkukunwari. Ngunit huli na pala ang lahat. Wala na siya at hindi na siya babalik pa. Ako naman ay naiwan sa hangin: patuloy na mag-aantay at aasa kahit alam kong hindi na siya darating kailanman.

*pagpupugay kina Sakura, Tomoyo, Syaoran, Toya at Yukito sa panghabangbuhay na hugot na bitbit ko dahil sa pagiging malapit ko sa inyo

Hanggang Sa Muli

Image

igagapos ka ng aking mga bisig 

habang pinagmamasdan natin

ang pagpapalit kulay ng langit

sa hapong ito

ikukulong ka ng aking mga titig

sa walang hanggang pagnanasa

na dala ng pagkasabik

na makita ka

pabayaan mo lang akong titigan

ang bawat parte ng iyong mukha

hanggang sa ito na lang

ang aking maalala

dahil pareho nating alam

na isa itong nakaw na sandali.

bukas, babalik ka na rin

sa tunay mong mahal:

ang masa

Ikaw, na nasanay nang umibig

hindi lang sa isa kung hindi sa marami,

nasanay nang mabigo

hindi lang isa kung hindi maraming beses na,

alam kong walang magagawa ang aking pagtutol

bukas, ipapaubaya na muli kita

sa masang iyong iniibig

pipiktalin ko na ang gapos

at puputulin ang mga titig

na nagbubuklod sa atin

Ikaw na nagdala ng liwanag

sa aking umaga at gabi

ang siyang magdudulot

ng dilim sa aking bawat sandali

dahil gaya ng araw na papalubog,

napapagod rin ako’t napupuyat;

nagsasawa at kailangan ng pahinga

hanggang kailan ako maghihintay?

masasagot mo kaya

sa muli nating pagkikita?